Mei isang bata, lagi siyang tinutukso… noong una, ayos lang sa kanya kasi ang kadalasang tumutukso sa kanya e mga kaibigan naman nya… kaso umabot sa punto na sumosobra na ang pagtukso sa kanya. Napipikon na siya pero hindi niya ito sinasabi kahit kanino. Ayaw niya kasi mga kaibigan niya ito. Ayaw niya kasi di niya alam kung papano sasabihin sa kanila na naiinis na siya. Sa palagay ko kaya ayaw niya e dahil baka lalo siyang asarin at pikunin. Kahit naman siguro ako ganon din ang mararamdaman ko. Tama na yung minsan mo akong asarin, ayos lang sakin yun. Pero yung araw-arawin mo ako, tas hindi ka makikinig sa mga sasabihin ko. E putang-ina iba nay un! masama magmura pero mapapamura ka talaga. Kahit ako minsan napipikon na. ay sus! Talaga naman.
Di ko rin naman masisisi tong batang to kasi mabait siya talaga. Pero lahat ng tao may limitasyon. Napupuno din ang tao. Lagi kong sinasabi na baka bukas bigla ka nalang sumabog, di mo na kayanin. =(
Basta ako natuto akong sabihin ang nararamdaman ko talaga. Pinapakita ko kung ano nararamdaman ko. Kung may gusto akong sabihin sa isang tao, sasabihin ko sa tamang paraan. Wlang away, walang gulo. Para di umabot sa point na nagpa-plastikan nalang bigla. Mas panget yun.
“No one can hurt you without your consent”
"this was my PAST LIFE"... LOVE IT!